Thursday, January 30, 2020

Feature

Kongkretong Laboratoryo para sa CAPSU

By Jethro Ace Labto

 

Imprastrakturang handog ay kaalaman tungo sa isang makabago, produktibo at maka-agham na pag-aaral na may kinalaman sa Sektor ng Agrikultura.

Laboratoryo mula sa Medieval Latin na salitang Laboratorium at Latin na Laborare na ang ibig sabihin ay labor or paggawa.

 

Sa sentro ng departamento ng College of Agriculture and Forestry ay matatagpuan an malawak kongkreto at kakabukas na dalawang palapag ng Laboratory Building. Binubuo ng walong silid na nagsisilbing daluyan ng kaalamang pagtuturo sa larangan ng eksperimento at siyensya. Bakas sa sgusali ang mga modernong pamamaraan at makabagong kagamitan para sa komportable at maayos na pag-aaral para maksabay sa mabilis na pag-unlad ng karunungan at maisalin pa sa mga susunid na henerasyon na mag-aaral sa Capiz State University.

“Ang purpose sana nito ay Central Laboratory ng buong Campus subalit may mga laboratory namang ang ibang departamento kaya napgpasyahan na AGriculture ang gagamit nito dahil halos karamihan sa mga majors ay ginagamitan nga laboratory”, pahayag ni Gng. Auralyn Balacase, and dekana ng CAF.

 

Sinimulan ang konstruksyon noong ABril 2018 na may pondong 6.5 milyong peso ngunit hindi natapos sa nakatkdang anim na buwang paggawa dahil sa akbi-kabilang pagbayo at pagsungit ng panahon sa nakaraang taon kaya ito ay naantala.

 

“Nag extend ang contractor mula October hanggang December ngunit patuloy pa rin ang pagsama ng panahon na nagdadala ng malakas na ulan sa kabila nito ay ipinagpatuloy pa rin ang pagpipintura kaya nagkabukol-bukol ang pintura”, dagdag ni Gng. Balacase.

 

Natapos at naibigay sa paaralan ang gusali nitong February taong kasalukuyan ngunit dahil sa lipas na ang kurikulm ay napagdesisyunanang bubuksan ito sa susnunod na pasukan.

 

Binubuo ng tatlong silid ang unang palapag at lima pasa sa ikalawang palapag kabilang dito ang Crop Science/Protection, Animal Science, Soil Science at Lecture rooms na binubuo ng kagamitang pang laboratoryo na nagkakahalaga ng mataas na presyo at nagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa pag-aaral at eksperimento.

 

Wika nga ni Jay N. Dela Cruz, mag-aaral na may kursong Agriculture, “Ang laboratoryo ang amon nga actual preparation para kung mag-ubra na kami, damo na kami nasayran kay damo gid ni nabulig sa amon nga mga estudyante, libre pa” (Ang laboratoryo ang siyang daan upang kami ay maging handa sa totoong buhay kapag kami ay makakapagtrabaho na. Maraming naitutulong ang laboratory sa aming mga estudyante at libre pa.)

 

Sa kasalukuyan ay tanging mga Professor at mag-aaral ang nagpapanatili ng kaayusan, kalinisan at maging seguridad ng gusali dahil wala pang gwardiyag magbabantay.

No comments:

Post a Comment